Blog of the week: Kathang Makata
Monday, February 27, 2012 | 0 comments
     Nakakita, at nakabasa ka na ba ng blog na ang laman ay mga kwento, at talatang Tagalog? Uso pa nga ba ang pambansang wika nating mga Pilipino, o naluma na ng panahon at ng Ingles na lenggwahe? 



     Nakarating ka na ba sa blog ni kathangmakata? Na-engganyo ka na ba sa kanyang mga naisulat? Kilala mo na ba siya? Gusto mo ba siyang makilala pa?




Sino ang nag-impluwensya sayo'ng magsulat?
Isang kaibigan ko sa simbahan. Pinilit niya kasi akong mag blog--sa multiply pa to noon.
Kailan ka nagsimulang magsulat ng malilikhang kwento, atbp?
Siguro nung 2nd year sa college. May "creative writing" kasi akong klase 'nun, pero noon pa talaga mahilig na ako sa mga pagsusulat ng essays, yun nga lang kasi noon tuwing may essay portion lang sa exams.
Ano ang nagtulak sayong magblog, at ipamahagi ang iyong mga gawa?

Kahihiyan, minsan kasi may panahon talagang may kung anong ideya na lang na papasok sa isip ko tapos hindi ko mapipigilan bumulong at makipag diskusyon sa sarili ko kaya mas minabuting kong isulat na lang at ilagay sa tumblr. Para kahit papaano hindi ko lang sinasarili yung mga naiisip ko.(?)
     Nagsimula si Kathang Makata sa Tumblr noong 27 Pebrero 2011. Ibig sabihin, ngayon ang ika-isang taon ng kanyang blog! Para sa kaka-isang taon pa lamang na blog, malayo-layo na rin ang narating ng kanyang mga naisulat. At hindi nakakapagtaka ang mga nakukuha niyang "likes" at "reblogs" sa Tumblr.

Bakit Tagalog ang ginagamit mong lenggwahe sa pagsusulat?

Noon naman kasi wikang Ingles ang gamit ko, pero di nagtagal ginamit ko yung Tagalog kasi mas napansin ko na mas naisusulat/nailalabas/naipapakita ko yung mga nararamdaman ko kapag ito ang ginagamit ko.
Sa tingin mo, ikaw na lang ba ang nagsusulat ng mga malilikhaing gawa gamit ang pambansang wika?
Hindi. Marami pa din naman ang nagsusulat gamit ang sariling wika. May mga kilala at mga kaibigan akong ito din ang ginagamit, at hindi sila matatanda at uugod-ugod na, ang iba pa nga sa kanila ay mas bata pa sa'kin.
Ano kadalasan ang laman ng iyong blog, maliban sa kwento mo?
Mga essays(?), personal na opinyon sa mga bagay bagay, at minsan mga gawa-gawang tula. Kahit anong maisipan kong gawin at ilagay dun.

Bakit KathangMakata?

Kathang makata kasi... Noong "purongkalokohan" pa yung url na ginagamit ko may mga ilan-ilan na kaibigan at followers na nagsasabi na hindi daw bagay yung URL na gamit ko dahil hindi naman daw kalokohan ang laman ng blog ko, at na makata daw ako.
Katha (likhang) makata.
Base ba sa iyong sariling pinagdaanan ang iyong mga likha? Kung hindi, saan ka kumukuha ng inspirasyon para dito?
Yung iba base talaga sa mga karanasan ko, habang yung iba naman napupulot ko na lang sa tabi tabi--maririnig, makikita, mababasa.
     At kung akala niyo na walang nang ibang ginagawa si Kathang Makata maliban sa pagsusulat, nagkakamali kayo dun. Mahilig din siyang maglaro ng Tetris Battle, magbasa ng mga libro, mag-Facebook, sumayaw, at higit sa lahat, kumain. 

Sa tingin mo, ano ang iyong pinakamagandang naisulat?

Para sa akin, pantay pantay lang lahat ng naisulat ko. Lahat sila parang "okay" pa lang, kasi aminado naman din ako na may mas magaling pa sa akin at nagsisimula pa lang naman ako. 
Katulad ng mga kabataang lalaki ngayon, mahilig ka rin ba sa mga laro sa computer, tulad ng dota?
Oo, pero hindi gaanong madalas. Paminsan minsan lang kasi mas gusto ko manuod ng mga movies.
Sino ang paborito mong manunulat-- local at international?
Lokal/local, siguro si Lourd De Veyra pagdating dun sa mga blogs niya na nabasa ko. Nakakatawa kasi pero at the same time may sense din. [Sa] international, Si J.K. Rowling... Kasi masasabi ko na din sigurong inabangan ko talaga ang kabuuang kwento ng Harry Potter, at nakakamangha lang talaga yung panibagong mundong ginawa niya sa isipan ng marami.




Labels: , , ,


About Us
The beauty and brains behind the blog




Michaela, Patricia
- fashion tips
- fashion style
- how to dress in style
- where to buy these without getting yourself broke

Roselle, Vanessa, Marry
- book reviews
- movie reviews
- finds in book sales
- anything related to these

Geneva
- food trips
- basically, everything about food

Vim
- photography
- photo shoots
- and the basics in taking photos

Tope
- political issues
- what's new in the political arena
- trivia, and fun stuff about anything

Welcome the new members of our blog, who will help with us in bringing you what you will surely love!


*Stef, Hyne
-what's new in the music industry
-songs, bands, and music videos

*Jules
-will be helping Geneva with the food posts

Archive
Rewind back to the past?




SCAN THE DAYS OF THE WEEK:
»Fiery Monday
»Tummy Tuesday
»Wash-Day Wednesday
»Trivia Thursday
»Famed Friday
»Snapshot Saturday
»Sing-along Sunday

Our Daily Escapades
This is a blog on all things bright, and beautiful. You can find book and movie reviews, fashion tips and style, do-it-yourself projects, and many more, which will be provided by the different people that runs this blog. Enjoy!

 visitor/s
Free Counters
Web Counter

+Follow
Refresh


Drop comments here


« Newer Post
Older Post »


OUR DAILY ESCAPADES